Lahat ng manggagawa ay may karapatang maprotektahan mula sa sexual violence.
Ang sexual violence ay tumutukoy sa sekswal na pangaabuso na ipinapataw laban sa kalooban ng isang tao tulad ng panggagahasa, pangmomolestiya, sexual harassment, at iba pa.
- Ang sexual harassment ay anumang gawain na nagiging sanhi ng sekswal na humilasyon, pagkabalisa, o pagkapahiya ng biktima, kaya maaari itong magpakita sa iba't ibang paraan, kabilang ang mga gawaing berbal at biswal, pati na rin ang pisikal na aksyon.
- Kung nakaranas ng sexual harassment, sexual assault, assault, habitual na verbal abuse mula sa employer, maaaring agad na magkaroon ng workplace change, lalo na sa kaso ng sexual assault (panggagahasa, tangkang panggagahasa, at iba pa). Gayunpaman, dapat may katibayan ang sexual assault at inirerekomenda na komunsulta sa isang propesyonal na tagapayo.
- Upang rumesponde sa sexual violece, kailangang malinaw na sabihin na hindi gusto ang hindi kasiya-siyang pangyayari at ipaalam sa mga kasamahan upang humingi ng tulong. Kung may problema, agad na makipag-ugnayan sa Migrant Women Hotline o sa labor union.
(Migrant Women Hotline 1577-1366)