Ang employer o manager ay hindi maaaring abusuhin nang verbal o pisikal ang isang manggagawa sa pangyayari ng isang aksidente o anumang iba pang dahilan. Kung may nangyaring ganitong insidente, maaari itong ireport sa labor office, himpilan ng pulisya o korte para maparusahan ang salarin o humingi ng danyos.
- Ang karahasan ay hindi lamang kinabibilangan ng pisikal na pananakit, kundi pati na rin ang habitual na verbal abuse, tulad ng magaspang na pananalita at pagmumura.
- Dahil ang sexual harassment, sexual assault, assault o verbal abuse ay lehitimong dahilan para magpalipat ng lugar na pinagtatrabahuhan, maaaring mag-aplay para sa workplace change pagkatapos ireport ito sa employment center. Ito ay hindi kasama sa bilang ng workplace change.
- Kung nagdurusa sa verbal o physical abuse, mabuting ipaalam kaagad sa mga kaibigan ang katotohanang ito at makipag-ugnayan sa migrant workers support organization o labor union para magkasamang gumawa ng katugunang aksyon.
- Mahalagang magkaroon ng ebidensya, tulad ng pahayag ng mga saksi, voice record, video, at iba pa.