○ Kung ikaw ay nasaktan habang nagtatrabaho, maaari kang magpagamot sa pamamagitan ng industrial accident insurance, at kung hindi ka makapagtrabaho dahil sa pagpapagamot, maaari kang tumanggap ng leave of absence benefits. Ang industrial accident insurance ay magagamit sa anumang kumpanya na may isa o higit pang empleyado. Kahit na ang iyong pinagtatrabahuhan ay walang industrial accident insurance, ito ay cumpolsory, kaya sinumang manggagawa ay maaaring makatanggap ng mga benepisyo mula sa industrial accident insurance. Ang mga undocumented migrant workers ay karapat-dapat din dito..
(Gayunpaman, ang mga kumpanyang pinatatakbo ng mga non-corporate entity sa industriya ng agrikultura at fishery na may mas mababa sa 5 manggagawa ay hindi sakop nito.)
- Sa kaganapan ng isang aksidenteng industriyal, ang manggagawa ay maaaring magsumite ng Application for Industrial Accident Compensation sa opisina ng Labor Welfare Corporation na nakakasakop sa lugar na pinagtatrabahuhan.
Sa madaling salita, hindi kailangan ang pahintulot ng employer upang mag-aplay para sa kompensasyon.
- Kung nasugatan, nagkasakit, o nagkaroon ng kapansanan kaugnay ng trabaho (kabilang ang pag-commute) at nangailangan ng medikal na pagpapagamot nang higit sa 4 na araw, o kung namatay, maaaring makatanggap ng kompensasyon mula sa industrial accident insurance.
Kung ang kaso ay nakilala bilang isang aksidenteng industriyal, maaaring makatanggap ng pambayad sa pagpapagamot, leave of absence benefits (70% ng average wage sa panahon na hindi nakapagtrabaho), at disability benefits (kung may kapansanan na nananatili pagkatapos ng pagpapagamot). Bukod sa industrial accident insurance, maaari ring magsampa ng kaso laban sa kumpanya para makatanggap ng kompensasyon.
- Ang batas ng limitasyon para sa kompensasyon para sa aksidenteng industriyal, katulad ng long term nursing care benefits at businees suspension benefits ay 3 taon. Samakatuwid, dapat magaplay bago matapos ang batas ng limitasyon (5 taon para sa disability benefits, survivor benefits at gastos para sa pagpapalibing).
○ Ano ang dapat gawin sakaling magkaroon ng aksidenteng industriyal
- Itala ang oras nang nangyari ang aksidenteng industriyal, dahilan, on-site na sitwasyon, at iba pa (voice record kung mahirap ang pagtatala)
- Kung may malubhang nasugatan, tumawag sa 119 para sa ambulansiya at dalhin sa ospital (ang ambulance record ay gagamitin bilang patunay)
- Kapag ginagamot sa ospital, ipaliwanag ang tunay na nangyari nang maaksidente, at bigyang-diin na nangyari ito habang nagtatrabaho o nagko-commute.
- Kumuha ng iba pang mga datos tulad ng litrato sa site, pahayag ng mga saksi (voice record), at iba pa.
- Para sa sakit na okupasyonal, komunsulta nang maaga sa labor union o mga organisasyon para sa kaligtasan ng mga manggagawa para maging handa.
- Maaaring agad na itigil ang trabaho at lumikas kung may nalalapit na panganib ng isang aksidenteng industriyal.
– Kailangan ding isulat ang pangalan ng ginagamit na kemikal, at magtanong sa labor union o occupatonal safety organization.
- Kung nasaktan o nagkasakit habang nagtatrabaho, huwag magatubiling isipin na ito ay isang aksidenteng industriyal!! Kailangan mo itong ikonsulta!!