Ating Alamin!

  1. Kung pumasok ka sa kumpanya na may 5 o higit pang empleyado noong Enero 1, 2024 at patuloy na magtatrabaho nang hindi gumagamit ng taunang bakasyon, magkano ang dapat mong matanggap na annual leave allowance kung magtatrabaho ka hanggang Disyembre 31, 2024?

→ Dapat kang matanggap ng 11 araw na halaga ng annual leave allowance (1 araw ng annual leave allowance sa bawat buwan na ipinasok.

  1. Sa kaso sa itaas, magkano ang annual leave allowance na dapat kong matanggap kung magtatrabaho pa ako ng isang araw hangganf Enero 1, 2025 at pagkatapos ay aalis sa kumpanya?

→ Bukod sa 11 araw na annual leave allowance, dapat kang makatanggap ng karagdagang 15 araw ng annual leave allowance (15 araw ng annual leave allowance kung pumasok ka sa trabaho nang higit sa 80% ng oras sa isang taon).


Taon ng Pagtatrabaho Haba ng Pagtatrabaho Bilang ng Araw ng Annual Leave
Ika-1 Taon Kulang sa 1 taon(365araw) Pareho sa bilang ng mga buwan na walang pagliban (maximum ng 11 araw)
Ika-2 Taon Mahigit 1 taon(366araw)~Kulang sa 2 taon 15 araw
Ika-3 Taon Mahigit 2 taon ~Kulang sa 3 taon 15 araw
Ika-4 Taon Mahigit 3 taon ~Kulang sa 4 taon 16 araw
Ika-5 Taon Mahigit 4 taon ~Kulang sa 5 taon 16 araw
Ika-6 Taon Mahigit 5 taon ~Kulang sa 6 taon 17 araw
Ika-21 Taon Mahigit 20 taon ~Kulang sa 21 taon 24 araw
Ika-22 Taon Mahigit 21 taon ~Kulang sa 22 taon 25 araw (maximum)
25 araw

Tandaan na kung tumigil ka sa trabaho nang hindi nagagamit ang naipon na taunang bakasyon, dapat momg matanggap ang mga ito bilang annual leave allowance.