4-1. Karapatan ng mga Manggagawang Tumanggap ng Sahod

○ Ang sahod ay dapat bayaran sa petsang itinakdang babayaran ito kada buwan.

○ Kailangang ang mismong manggagawa ang tumanggap ng kanyang sahod.

○ Ang sahod ay kailangang matanggap bilang pera na maaaaring magamit.

○ Kailangang mabayaran ito nang buo.

○ Kailangan mong makatanggap ng pay slip.

4-2. Minimum Wage at Karagdagang Allowance

1) Ang minimum wage kada oras sa 2025 ay 10,030 won!

| 구분

Kategorya 2024 (01.01~12.31) 2025 (01.01~12.31)
최저시급
Minimum Wage Kada Oras 9,860 won 10,030 won
일급(1일 8시간 기준)
Kada Araw (base sa 8 oras isang araw) 78,880 won 80,240 won
월급(1주 40시간, 유급주휴 8시간 포함)
Kada Buwan (40 oras kada linggo, kasama ang 8 oras na bayad na weekly leave) 2,060,740 won 2,096,270 won

Bigyang Pansin!

Kung ikaw ay nasa probation sa ilalim ng standard employment contract, maaaring bumaba ng 10% ang iyong minimum wage hanggang tatlong buwan mula sa simula ng probationary period.