• Sa kumpanya na may 5 o higit pang full-time na manggagawa, ang employer ay dapat maggarantiya ng menstrual leave isang beses sa isang buwan sa lahat ng babaeng empleyado, anuman ang uri ng trabaho, katayuan sa trabaho, okupasyon, o edad kapag sila ay humiling nito. (Gayunpaman, ang menstrual leave ay unpaid leave maliban kung iba ang nakasaad sa collective agreement o alituntunin sa paggawa.)
  • Kung ang isang empleyado na nagdadalantao ay manganak, ang employer ay dapat maggarantiya ng kabuuang 90 araw ng pre- at post-natal leave bago at pagkatapos ng panganganak, at ang unang 60 araw ng bakasyon sa itaas ay dapat bayaran. (Artikulo 74 ng Labor Standards Act)
  • Ginagarantiyahan ng Artikulo 19 ng Equal Employment Opportunity Act ang parental leave hanggang isang taon para mapalaki ang isang batang wala pang 8 taong gulang (mga batang nasa ikalawang baitang ng elementarya).
  • Ang mga kababaihang manggagawa na nagdadalantao o wala pang isang taon matapos makapanganak ay ipinagbabawal na magtrabaho sa gabi at sa mga pista opisyal.