• Ang mga manggagawa sa South Korea, anuman ang kanilang nasyonalidad, ay may karapatan sa proteksyon ng batas sa paggawa. Ang mga walang visa, mga trainee, mga overseas Korean, mga refugee, mga international student, marriage migrant woman at mga migranteng kabataan ay may parehong karapatan sa proteksyon ng batas sa paggawa.
  • Ang mga employer ay hindi maaaring magdiskrimina sa mga manggagawa batay sa kanilang kasarian, nasyonalidad, relihiyon o pagkakakilanlan. Samakatuwid, labag sa batas ang magdiskrimina dahil lamang ang isang tao ay migranteng manggagawa. (Artikulo 6 ng Labor Standards Act) (Ang paglabag ay maaaring magresulta sa multa ng hanggang 5 milyong won.)
  • Hindi dapat pilitin ng employer ang pagpapatatrabaho sa pamamagitan ng karahasan o pananakot. Hindi maaaring kumpiskahin ang pasaporte o ID card, pagbawalan ang mga empleyado na lumabas, o pilitin silang magtrabaho nang overtime, sa gabi, o sa pista opisyal upang ipagpatuloy ang hindi makatarungang pagpapatrabaho. (Artikulo 7 ng Labor Standards Act) (Ang paglabag ay maaaring magresulta sa pagkakulong ng hanggang 5 taon o multa ng hanggang 30 milyong won.)
  • Ang employer ay hindi dapat saktan ang manggagawa, anuman ang kasalanan nito. (Artikulo 8 ng Labor Standards Act) (Ang paglabag ay maaaring magresulta sa pagkakulong ng hanggang 5 taon o multa ng hanggang 30 milyong won.)
  • Ang mga manggagawa ay may karapatang magpahinga ng hindi bababa sa 30 minuto para sa bawat 4 na oras na trabaho at hindi bababa sa 1 oras para sa bawat 8 oras na trabaho. (Artikulo 54 ng Labor Standards Act). (Ang paglabag ay maaaring magresulta sa pagkakulong ng hanggang 2 taon o multa ng hanggang 10 milyong won.)
  • Ang mga manggagawa ay kailangang magarantiyahan ng isang araw na paid day-off kada linggo. (Artikulo 55 ng Labor Standards Act) (Ang paglabag ay maaaring magresulta sa pagkakulong ng hanggang 2 taon o multa ng hanggang 10 milyong won.)