Ang karapatang pantao at karapatan sa paggawa ng migranteng manggagawa ay protektado ng UN "Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of their Families".
Ang mga karapatan ng mga migranteng manggagawa, kabilang ang kalayaan sa pagoorganisa at pantay na pagtrato nang walang diskriminasyon, ay protektado ng International Labor Organization (ILO) Conventions (Convention No. 43-Convention on Opportunities and Equal Treatment of Migrant Workers, Convention No.111-Convention on Discrimination in Employment and Occupation). Malinaw na ginagarantiyahan ng Artikulo 33 ng Konstitusyon ng Korea ang tatlong karapatan sa paggawa ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsasaad na "ang mga manggagawa ay dapat magkaroon ng karapatan sa sariling pagpapasya, kolektibong pakikipagpalitan, at kolektibong pagkilos para sa pagpapabuti ng kanilang mga kondisyon sa paggawa." Ito ay upang mapabuti ang social economic status ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanila na bumuo ng kanilang sariling asosasyon (unyon) at kolektibong matukoy ang kanilang mga kondisyon sa pagtatrabaho sa pantay na kalagayan sa kanilang mga employer.
Ang mga indibidwal na manggagawa ay mahina, ngunit maaaring lumago ang kanilang lakas kung nagkakaisa sila sa isang unyon. Ang tatlong karapatan sa paggawa ay: 1) ang karapatang mag-organisa (ang karapatang bumuo ng unyon), 2) ang karapatan sa collective bargaining (ang karapatang makipag bargain nang sama sama sa mga employer), at 3) ang karapatan sa collective action (ang karapatang gumawa ng kolektibong aksyon, tulad ng pagwewelga, upang mapagtanto ang mga interes ng unyon).