Ang migranteng manggagawa ay isang taong nilisan ang kanyang tirahan at nagmigrate upang magtrabaho. Maaaring magkakaiba ang nasyonalidad nguni't hindi nagbabago ang likas na katangian ng paggawa. Ang mga karapatan ng mga manggagawa ay kailangang pantay na magarantiyahan.

※ Mga salitang itinatawag sa atin ng mga tao, ano ang tamang ekspresyon?

▶ Dayuhang Manggagawa / Manggagawa - 外國人勞動者 / 勤勞者 - foreign worker (Korean Government)

Dayuhan: tao mula sa ibang bansa, mga tao na nasa labas namin, dayuhan ⇛ eksklusibong ekspresyon

▶ Migranteng Manggagawa - 移住勞動者 - migrant worker (International Labor Organization ILO, UN) (tamang ekspresyon)

Migrasyon: Pag-alis sa lugar na tinitirhan at paglipat sa ibang lugar ⇛ Neutral na ekspresyon

▶ Ilegal na Residente - 不法滯留者 - illegal resident (hindi tamang ekspresyon)

Lumilikha ito ng negatibong imahe sa pamamagitan ng paglalakip ng salitang 'ilegal' sa isang tao, at nagsasanhi ng panghuhusga at poot sa pamamagitan ng pagpapaunawa sa mga tao na sila ay ilegal. Inirerekomenda rin ng UN at ng National Human Rights Commission na baguhin ang paggamit ng katagang "illegal resident".

▶ Migranteng hindi Dokumentado - 未登錄移住民 - undocumented migrant (angkop na ekspresyon)

Nararapat na tukuyin ang kawalan ng visa na hindi nakarehistro o hindi dokumentado sa immigration, at angkop na sabihing undocumented sa halip na illegal. Inirerekomenda rin ng mga internasyonal na organisasyon tulad ng United Nations (UN) at International Organization for Migration (IOM), gayundin ng mga pambansang awtoridad sa karapatang pantao ang ekspresyong ‘undocumented’.